Kwentong-Notebook

Ang kwento ng Isang Alibughang Anak

Kung ilulugar ko ang sarili ko sa pagiging isang manononood, ang una ko sigurong matatanong sa sarili ko, ano kaya ang natutunan ko sa pagtatanghal na ito?

Nang aking suriin, ang pinakamagiging pinakaproblema lang sa pagtatanghal namin ay kung paano ba kami magiging epektibo sa pagpapahayag ng aral na gusto naming ipakita. Marami naman na rin siguro nakaka-alam ng kwento tungkol sa "The Prodigal Son" pero ang problema ay may mga bagay sa parabula ito na masyadong malallim ang mga nilalaman at gamit ang isang pagtatanghal, mas mapapadali ito at mas mapapakita kung saan nga ba ito maihahalintulad sa buhay ng tao.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng Alibughang anak? Hindi natin maaaring sabihin na ang isang Alibugha ay makasalanan, dahil lahat naman tayo ay nagkakasala, pero sa maayos na paraan at ibig sabihin nito ay isang anak na nagkamali ng landas, nagkamali ng desisyon at nakalimot lamang sa kanyang pamilya at sa turo ng Diyos. Minsan sa buhay natin, may mga pagkakataon talagang hindi maiiwasan ang maransan ng isang anak ang ganyang pakiramdam. Minsan kasi, batay narin sa mga pagaaral, karamihan sa mga edad na may sariling pagiisip na, ay mas emosyonal, at mas nakakapagisip ng sariling desisyon. Itong bagay na ‘to ang nagiging dahilan kung bakit minsan naiisipan na nating mabuhay magisa. Minsan sadyang hindi natin maintindihan ang sarili nating utak at bakit kaya tayo nakakapagisip ng mga gantong bagay. Maaaring malaking impluwensya ang panonood natin ng palabas sa TV kaya nakakapagisip tayo ng na kaya na natin mabuhay magisa. Tulad nga sa isang kanta, “batang bata ka pa at marami ka pang kailangan intindihin sa mundong ito”, o sa madaling sabi, habang bata pa tayo, matuto parin tayong makinig sa ating mga magulang at hindi porket may mga alam na tayo sa buhay, masyado pa itong maliit na kaalaman kaysa sa mga alam ng mga magulang natin. 

Sa kwento, para saakin, naiparamdam namin kung paano ba mabubuhay ang isang anak na tumalikod sa kanyang pamilya. Ang sabi nga, “nasa huli ang pagsisisi”. Minsan, sa umpisa, masaya tayo sa mga nararamdaman natin dahil gusto natin ito at dahil sa tingin natin, ngayon palang tayo makakatikim nito pero sa bandang huli, pagsisisihan natin ito. Dahil ang bawat tamis at sarap sa buhay ay may katapat na mapait at masakit na karanasan. Akala natin may dahilan na tayong maging masaya sa buhay kapag ginagawa natin itong mga maling bagay na ‘to. Pero kaya nga itong tinawag na mali, dahil sila ay mga traydor na desisyon na sa huli ay sisira ng buhay mo.

Ang huli ko sigurong mailalagay dito sa talata kong ito ay tungkol sa isang pagkakaroon ng isang PAMILYA. Ang Pamilya ay napakahalaga para saatin. Sila ang bubuo ng buhay at araw mo. Kung wala sila, wala ka sa mundo. May dalawang pamilya akong maibabahagi. Ang unang pamilya ay ang pamilya na mayroon ang alibughang anak. Sa kwento, kahit na ang anak ay nagkamali, at naging suwail sa kanyang mga magulang ay tinangap at minahal parin siya dahil sa tulong ng pagmamahal na ibinigay ng Panginoon. Ang pangalawang pamilya na maibabahagi ko ay ang pamilyang nabuo sa loob ng silid ng St. Dominica. Naramdaman ko ang pamilya sakanila dahil sa mga nagawa namin. Naramdaman ko ito dahil sa kabila ng lahat nakagawa kami ng isang maayos na pagtatanghal dahil sa pagtulong-tulong namin. Nagpapasalamat ako sa aming mga guro na binigyan kami ng pagkakataon na ganito na nakapagturo saamin ng maraming bagay. Nagpapasalamat ako sa pamilya ko sa St. Dominica at dahil dito nagkakilala kami ng mas malalim. At ang huli, nagpapasalamat ako sa Diyos sa kanyang pag-gabay saamin at sa lahat ng gagawin namin! Salamat po!

October 2012 7:04

Pare ko

      Sa wakas at natapos narin kami sa shooting (film project) namin. Sa bahay namin ginanap, at 4 saturdays kami nagshoot, umaga hangang gabi. Tila bang may dumaang bagyo sa bahay namin. Dinaig pa ang mga nakaraang bagyo. Mula sa Signal no.1 hangang Signal no. 4. Nagpapasalamat ako sa mga kagrupo ka na tumulong sa paglinis ng naiwan na kalat pagkatapos ng isang marahas at mapanuring shooting. Salamat narin sa mga hindi, instant lesson yun kung paano nga ba maglinis magisa. Okay lang sana kung nagkalat kasi naiinitindihan ko naman na magkakakalat talaga. Pero sana man lang, tinulungan nila ako maglinis sa mga naiwang kalat. Oo, hindi ko ‘to sinabi sakanila dahil ayoko namang problemahin pa nila yun dahil project first naman talaga. Mula 1st hangang 3rd floor. Hindi naman ako tumangi sa mga pabor nila kasi alam ko namang makakabuti yon para sa kalalabasan ng ginawa namin. Natuwa naman ako sa mga ginawa namin kasi isa akong camera man. Nabilib ako sa mga pagarte nila. Magaling, mahusay. Pero at the end of the shooting day, ‘tila nagsilaho sila, nagpaalam, nagpasalamat. Natuwa naman ako doon. Masaya naman eh, pero alam mo yung nakakainis? Yung tipong simula sa unang araw ng shooting niyo, ikaw lang ang halos naglinis sa mga naiwang kalat. Okay lang, bahay namin eh, pero bilang isang tao, alam dapat natin kung paano ang gagawin natin. Ang hinihingi ko lang naman sakanila ay konting tulong sa paglinis. Yun lang. Meron rin namang tumulong, meron rin hindi. Mas napagod pa nga ata ako sa mga actors eh. Masakit. Kasi pinagkatiwala ko ang mga kaibigan at kaklase kong ito sa pagamit na shooting place ang bahay namin. Kaso sa mga oras na ito, naglilinis parin ako, dahil ako ang nagpadala ng bisita, obligasyon ko maglinis ng mga naiwang kalat. Akala ko konti nalang kasi tiwala akong naglinis rin sila. Kaso na disappoint ako dahil marami pa pala akong lilinisin. Nakakapagod po maglinis magisa. 4 na sabado, 1st hangang 3rd floor at ilan pang mga kwarto. Sinabi ko ito sa huling araw ng shooting dahil gusto ko tapos na ang lahat at hindi na nila iisipin masyado ‘to at alam ko stress narin sila at pressures. Pasensya na. Sa huli, hindi naman ako ganoong nagagalit. Naiinis at nababagot lang ako sa nangyari ako. Inintindi ko na lang na baka kaya sila ay hindi ako natulungan sa paglinis ay baka pagod pa sila. Siguro nakalimutang lang din nila isiping, “baka pagod narin si Marc”. 

Paalam

Goodmorning Bruu.. :)

Goodmorning Bruu.. :)